Saturday, October 13, 2012

Ano nga ba ang Kaibigan?

Hello. Magandang Araw po Ü
Regine De Guzman nga po pala :) sana magustuhan nyo po Ü


Paano nga ba natin masasabi na kaibigan natin ang isang tao? Pano natin masasabing Best Friend ang isang tao, kung andyan lang sya kapag may kailangan sayo? Ano nga ba ang isang kaibigan? Para saan ang kaibigan? Bakit kailangan ng kaibigan kapag nag-iisa tayo? kung andyan naman si God. Sa panahon ba ngayon ay mayroon pa bang tunay na kaibigan sayo? diba sila yung andyan kapag may kailangan tayo? sila yung andyan kapag wala tayong malapitan na iba?

Ako? madami akong kaibigan. pero hindi ko alam kung sila ba'y totoo sa'kin kapag ako'y nakatalikod na. Best Friend? meron din ako nyan, pero hindi lahat sila ay totoo at tunay. Ano nga ba kasi ang KAIBIGAN? diba sila yung kasama mo sa kabaliwan, kalokohan, galaan, pandaraya, o anu pa man. Sila yung nandyan kapag sobrang lungkot muna eh papasiyahin ka ng bonggang bonggang kita ang ngala ngala :D ,yung kapag Broken Hearted ka handa silang makinig sayo kahit na gusto ka nilang batukan kasi ayaw mong makinig, yung ang dami na nilang binigay sayo na advice pero ikaw Go lang sa gusto mo! kahit na nasasaktan kana, yung parang nanay mo, sila yung sobra magmahal sayo kahit hindi mo shota pero mahal na mahal ka, yung sila lang sapat na! sila lang kuuummpletoo na araw mo! :"> 

Sa panahon ba ngayon, meron pa rin ba nyan? Oo, syempre :) panu ko ito nasabi? siguro kasi naranasan kuna, o mararanasan ko palang. Madami akong kaibigan kahit na nag-aaway kami eh hindi parin kami sumusuko, andito parin kami hindi nag-iiwanan kasi yang mga problema na yan nilalakaran lang yan! hindi tinatambayan pero sa mga problema na yan.. madami tayong matututunan, masasabi mong dahil dyan sa problema na yan mas lalong tumatatag at tumitibay yung pagkakaibigan nyo. Yung kahit na gusto mong sumuko eh gumagawa si God ng paraan para magkaayos at magkabati kayo at pagkatapos nun eh, parang wala lang :D back to normal, kabaliwan nanaman :)

Masaya magkaroon ng kaibigan yung parating nandyan, yung hindi ka iniiwan. Pero bakit ba sinasabi ng iba "wala akong kaibigan!" "Oo, bestfriend ko sya :) (kahit di naman. Oo, kana lang!)" lahat tayo'y merong kaibigan iba nga lang talaga yung gusto nating maging kaibigan kasi namimili tayo. Minsan pa nga yung magiging Best Friend natin eh sila pa yung kaaway natin! Hindi natin masasabi :) Kasi sa pagdating ng mga panahon maraming magbabago makikita natin kung sino yung hindi tayo iiwan, yung parating nandyan kahit anung mangyari, yung hindi lang basta pinapasaya ka nya! yung matatawag mong "BEST FRIEND ko to, & PROUD ako!" yung hindi lang basta Proud tayo! Blessed tayo.. kasi alam mong kahit anong dumating sa inyo na problemang magkaibigan, matatag kayo, Yung walang makakasira sa matatag nyong pagkakaibigan ♥

x